What to Expect:

This is just a nonsense and full of randomness blog. If you are expecting some deep posts, sadly, you are in the wrong place. Posts will revolve around writing, life, love, anime, boys, and rants. Don't like? F^ck off ;)

Novels


LAST UPDATE: December 24, 2013

:: 2010 COLLECTION ::


I WANT YOUR LOVE
by Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: October 20, 2010
[Tennis Knights] 

“Ipaparanas ko sa iyo kung gaano ka kasuwerte na ako ang girlfriend mo.”


Hindi inaasahan ni Airin na magkakaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa lalaking minamahal niya nang lihim—si Alessandro. Ginawa niya ang lahat para maturuan niya itong mahalin din siya. Pumayag siyang maging “pretend girlfriend” nito para makaganti ito sa mortal enemy nito na si Charlie at sa ex-girlfriend nito na nanloko rito.

Habang umaarte silang “magkasintahan” ay naramdaman niya na tila nag-iiba na ang trato nito sa kanya. Labis-labis ang tuwa niya dahil parang unti-unti nang nahuhulog ang loob nito sa kanya. Pero bumagsak ang pag-asa niya dahil lamang sa isang litrato nito na nagpapatunay—at nagbalik sa kanya sa realidad—na kahit kailan ay hindi nito magagawang mahalin siya.

Nalito siya kung alin ang pakinggan niya: Ang isip niyang nagsasabi na “Tama na,” o ang puso niyang sumisigaw ng “Kaya mo pa”?



LOVE SO SWEET
by Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: November 02, 2010
[Tennis Knights]

"Meeting you was fate's joke. Being your friend was my choice. But falling in love with you was beyond my control. I love you very much."


Nagtataka si Cloud kung bakit parang galit na galit sa kanya si Skye. Gusto niyang alamin ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya, pero hindi niya alam kung paano siya magsisimula. But it seemed fate was on his side. May nalaman siyang sekreto nito. Ginamit niya iyon para i-blackmail ito. Ang plano niya ay turuan ito ng leksiyon. Pero tuwing nagkakasama sila ay tila siya ang natututo mula rito. Hindi niya inasahang sa tulong nito ay madali niyang mauunawaan ang totoong kahulugan ng pag-ibig.



YOUR LOVE IS MY DRUG
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: November 10, 2010
[Tennis Knights]

“Kung kasinlakas at kasinlinaw lang ng stethoscope ang mga tainga mo, narinig mo sana na ikaw ang itinitibok at isinisigaw ng puso ko.”


Ian’s boyfriend Aiden, left her for another girl. Wala na raw itong nararamdamang spark para sa kanya kaya mas mabuting maghiwalay na sila. Sa gitna ng pagdadalamhati niya ay nakilala niya si Chuck del Mundo. Unang pagkikita pa lamang nila ay pulos kabaitan na ang ipinakita nito sa kanya. Kapag down na down siya ay bigla itong sumusulpot at pinasasaya at pinalalakas ang loob niya.

Hanggang sa maramdaman niyang unti-unti na nitong pinapalitan sa puso niya si Aiden. Kahit hindi nito tahasang sabihin ay alam niya ang ibig sabihin ng panunuyo nito at ng minsang pagkanta nito sa kanya ng love song sa cell phone.

Hindi pa niya kayang mag-entertain ng panibagong pag-ibig. Pero kaya rin kaya niyang bale-walain ang ibinubulong ng kanyang puso? Handa na ba siyang isugal ang kapalaran ng kanyang puso?


:: 2011 COLLECTION ::


NO OTHER
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: February 02, 2011
[Sequel to I Want Your Love and Love So Sweet]

Mahirap palang itago ang nararamdaman para sa babaeng mahal mo, lalo na kung ang nararamdaman mong iyon ay gustung-gusto mong ipagsigawan sa mundo.


A kiss on the cheek and a punch on the face. That was how Gail and Mico’s friendship started. Sa simpleng pagkikita at pagsasalpukan nila ay umusbong ang isang pagkakaibigang hindi nila inaasahan. Naging malapit sila sa isa’t isa. They protected each other and spent time together. Walang malisya ang pagkakaibigan nila dahil ang kuya nito ang gusto niya.

Pero isang umaga, nagising siyang si Mico na ang nakikita at hindi ang kuya nito. The fighter that she was, she started making a move. Nagpalakad siya sa kuya nito para lalo siyang mapalapit dito at para maturuan niya si Mico na mahalin siya.

She pretended she still liked Mico’s brother para makuha ang pagmamahal nito. Kung saan hahantong ang pagkukunwari niya—sa happy o sad ending—ay hindi niya alam.



YOUR LOVE IS THE ONLY EXCEPTION
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: September 20, 2011

[Tennis Knights]

Love is when you realize you are happy... because he is beside you.


Sa loob ng limang taon ay inalagaan ni Jelle si Guji sa kanyang puso. Nakontento na siya sa palihim na pagmamasid at pagtanaw niya rito mula sa malayo. Until one day, she learned that he already had somebody else. Naalarma ang puso niya kaya naglakas-loob siyang lapitan ito.

Her plan was almost perfect. Kung hindi lamang palaging sumusulpot sa eksena ang “tinik” sa lalamunan niya na si Reus San Diego, ang kaisa-isang tao sa buong university nila na nakakaalam ng lihim na pagtingin niya kay Guji. Sa bawat pagkakataong nagpapapansin siya kay Guji ay palagi nitong sinisira ang diskarte niya. Hindi niya alam ang dahilan ng panggugulo nito kaya isang araw ay nagulat siya nang bigkasin nito ang mga katagang “I’ll make you love me, Jelle.”

Hala! Hindi siya maaaring magkagusto rito dahil hindi niya ito type. Pero bakit parang nagdiwang ang puso niya dahil sa mga katagang iyon? Parang sinasabi rin ng puso niya na bigyan niya ng tsansa si Reus na ipakilala nito ang sarili sa kanya.



HEART OF MINE
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: November 02, 2011


"Nobody has shown me how it feels to be taken care of except you. Kaya kahit sobrang pakialamera ka, hindi ko magawang magalit ng  tuluyan sayo."


Isang sikat na modelo ang secret boyfriend ni Rione. At kahit ayaw rito ng mga magulang niya para sa kanya ay handa siyang ipaglaban ito. Kahit madalas ay missing in action ito ay handa siyang intindihin ito.

Ngunit hindi sinasadyang nabuking ng kababata niyang si Riley ang lihim niya. Malapit ito sa mga magulang niya kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi siya isumbong nito—kesehodang pumayag siyang maging PA nito sa loob ng isang buwan.

Napilitan lang siyang sundin ang gusto ni Riley. Kaya bakit natagpuan niya ang sariling nag-e-enjoy nang pagsilbihan ito at kinikilig siya sa lahat ng ginagawa nito? PA lang daw ang kailangan nito, hindi girlfriend.


:: 2012 COLLECTION ::


WHY DID I FALL IN LOVE WITH YOU
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: January 04, 2012

[Tennis Knights]

Naniniwala siya na mahal siya nito. And that was what was making her strong.


Ganoon na lamang ang galit ni Jill sa ex-boyfriend niyang si Jack dahil after their so-called “cool off,” bigla na lamang niyang nalaman na may bago na itong nobya. She wanted to get even. Gusto niyang ipamukha rito na okay lamang na nakipaghiwalay ito sa kanya at bale-wala sa kanya na ipinagpalit siya nito sa iba.

Then Guji Gonzado, the snobbish and oh-so serious member of Tennis Knights, entered the picture. Itinalaga nito ang sarili bilang “boyfriend” niya. Gusto rin daw nitong ipamukha kay Jack na mali ang ginawa niyon sa kanya.

Tinanggap niya ang tulong ni Guji.

Madali lang sana ang pagpapanggap nila bilang magnobyo kung hindi lamang unti-unting lumilihis ang puso niya sa kanilang plano. Batid naman ng puso niya na napakahirap mahalin si Guji pero sinasabi niyon na dapat siyang sumugal para sa sariling kaligayahan niya. Pero mukhang nakatadhana siyang masaktan dahil ang lalaking unti-unti niyang minamahal ay nakakulong pa rin pala sa nakaraan nito at ng babaeng hindi niya alam kung makakaya niyang labanan at higitan.



LUCKY WE'RE IN LOVE
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: March 27, 2012

[Tennis Knights]

“Love isn’t about who did wrong and who should do the right move. It’s about fighting for your feelings no matter how much you’ve been hurt.”


Lakas-loob na nagtapat si Yanie ng pag-ibig sa kaibigan niya na si Kei pero halos madurog ang puso niya sa ibayong sakit nang deretsahang sabihin nito na kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. Upang makalimot ay nilayuan at iniwasan niya ito.

Limang taon ang lumipas na hindi sila nagpapansinan. Nakaya niyang mabuhay nang hindi kasama si Kei. Hanggang isang araw ay nilapitan siya nito dahil sa nalaman niyang sekreto nito. Gusto rin nito na ibalik ang nasirang pagkakaibigan nila pero alam niya na nagkukunwari lamang ito upang kunin ang loob niya at hindi siya magsalita laban dito.

Pero siya na yata ang reyna ng katangahan dahil naniwala pa rin siya rito. Hanggang sa ang damdaming akala niyang naglaho na ay muling umusbong. Ngunit ang inaakala niyang totoong pagmamahal nito ay lokohan lamang pala talaga.

Mukhang hindi na Band-Aid ang kailangan ng puso niyang sugatan kundi ang pagmamahal ni Kei—pagmamahal na malabong makuha niya.



HIS BEAUTIFUL DISTRACTION
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: May 16, 2012

[Sequel to No Other]

"Gusto kong mabuhay para maturuan kang mahalin ako. Kasi mahal na mahal kita. Sobra-sobra."


Kitkat met Milo nang isang gabing hinimatay siya. Ito ang tumulong sa kanya. From that day on, he was always there for her. Ginagawa nito ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.

Nang makulong siya sa yakap nito, bigla ay parang gusto na niyang magpa-house arrest at makulong na lamang forever sa yakap nito.

Nang dahil kay Milo ay marami siyang natutuhan. Natutuhan niyang magmahal, ang maging malakas, at lumaban. Nang dahil din dito ay natutuhan niyang humiling ng isang napakaimposibleng bagay—ang mahalin din siya nito.

Puwede kaya?



WHEN A GENIUS FALL IN LOVE
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: June 13, 2012

[Tennis Knights]

“Parang DSLR ang pag-ibig. Kapag nandiyan na sa harap mo ang taong mahal mo, nagbu-blur na ang ibang tao sa paningin mo.”


Secretly loving a genius ang drama ng buhay ni Aivi sa loob ng limang taon. Pulos pagpapa-cute at pagpapalipad-hangin ang ginagawa niya para mapansin ni Chase. Kontento na siya roon dahil para sa kanya, matanaw, makasama, at makausap lamang niya ito ay masaya na siya. Pero bigla siyang nagising sa pag-iilusyon nang ipakilala sa kanila ni Chase ang fiancée nito na si Destiny. Teka, hindi ito kasama sa love story nila! Suddenly, all her dreams about Chase being her husband vanished into thin air. But she was not Aivi Lim for nothing. She had to do something. She had a battle to face.

A battle against Destiny.

Sana lang ay manalo siya…


:: 2013 COLLECTION ::


THE PRINCE'S TRIAL AND ERROR LOVE
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: January 22, 2013
[Tennis Knights]

"I'm willing to fight destiny because I love you."


Ashleigh fell in love with the man in her dreams. Alam niyang ang lalaki sa panaginip niya ay ang lalaking nakalaan para sa kanya. At wala na siyang ibang lalaking mamahalin pa kundi ito lang. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Rein. At natuklasan niyang schoolmate niya ito, kaya ginawa niya ang lahat upang mapansin nito. Pero lantarang sinabi ni Rein na tigilan na niya ito dahil hindi siya nito kayang mahalin at masasaktan lamang siya kung ipagpapatuloy niya ang nararamdaman niya para dito. Pero hindi siya basta-basta susuko. Nagtagumpay naman siya.

Smooth-sailing na ang relasyon nila nang malaman niyang nagdadalawang-isip si Rein sa pag-alis ng bansa upang tuparin ang mga pangarap nito. Alam niyang siya ang dahilan sa pag-aatubili nito kaya kinumbinsi niya itong umalis. At alam niyang ang paglalayo nila ay mangangahulugang wala nang patutunguhan ang relasyon nila.

Kung sana’y nakinig si Ashleigh kay Rein noon nang sabihin nitong masasaktan lang siya kung ipagpapatuloy niya ang nararamdaman para dito.



K.R.Y TRILOGY I: MARCUS (SEVEN YEARS OF LOVE)
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: April 03, 2013
[Sapphire Blue]

“Though there are so many faces in the crowd, there’s only one face I recognize. Yours.”


Marcus Cho loved Joanne once in his life. Mas mahalaga pa ito kaysa sa pangarap niya. But she hurt him big-time. He vowed to himself he would never fall in love again. Kasabay niyon ay ipinangako niya sa sariling hindi na siya babalik pa sa Pilipinas.

But it seemed like fate had another plan for him. Kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kasama ng dalawa niyang kabanda. Binali niya ang pangako niyang hindi na magbabalik pa sa Pilipinas. And as if fate was taunting him, sa lugar na tinutuluyan ni Joanne sila tumuloy.

When Marcus saw her again, something inside him shifted. He longed to have her inside his arms again. He silently wished for her to be his again. Muli ay may binali na naman siyang pangako dahil sa ikalawang pagkakataon ay minahal niya si Joanne.

Subalit wala nang pagkakataon pang magkatugon ang damdamin niya rito. Because Joanne wasn’t free anymore like him. For the second time, he was hurt again. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung makakalimot pa siya…



K.R.Y TRILOGY II: NATHAN (IF I LOVE YOU MORE)
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: April 03, 2013
[Sapphire Blue]

For years, I’ve been going through an unrequited love and not even once I regretted falling in love with her because she’s worth the pain and the uncertainties.


Nang magbalak si Nathan na magbagong-anyo dahil sa babaeng napupusuan niya ay sa best friend niyang si Lyn siya nagpatulong. Pumayag naman kaagad ang dalaga sa hiling niya. Everything went smoothly according to his plan. Until he saw Lyn smile at his cousin’s friend, Vincent. Bigla-bigla ay nagbago ang tingin niya rito. Nagseselos siya kapag may kausap itong iba. Naiinis siya kapag nakatingin ito sa iba. But they were just friends, so why was he feeling this way?

It was then that he realized that friends do fall in love. And he fell for her friend Lyn. Hard. Pero kung kailan handa na siyang magtapat dito ay saka ito naglahong parang bula.

Pagkatapos ng pitong taon ay muli silang nagkita. Hanggang sa ikalawang pagkakataon ba ay friend zone pa rin siya sa buhay ng dalaga?



K.R.Y TRILOGY III: JEROME (IT HAS TO BE YOU)
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: April 03, 2013
[Sapphire Blue]

“I’ll make you see it’s not nice to be alone. I’ll make you realize it’s happier if you’re with someone, if you’re with me.”


Seven years ago, Jerome thought music was all that was important to him. Hanggang sa nakilala niya si Cher. Sa kabila ng mala-Sadako nitong anyo ay nagkagusto siya rito. Sa katunayan, nagustuhan niya ang lahat-lahat dito. Subalit napakailap nito. Kaya gumawa siya ng paraan para makalapit dito. Nagtagumpay naman siya. He then thought of teaching her the ways of love. Gusto kasi niyang mahalin din siya nito—na nangyari naman kaya ganoon na lang ang pagtalon ng puso niya sa tuwa. Pero dumating sa puntong nabulag siya ng pangarap niya. Ang naging kapalit: si Cher.

Pagkalipas ng pitong taon ay muli niya itong nakita. He realized that all this time, he still loved her. Sa kabila ng galit nito ay pinilit pa rin niyang gawin ang lahat para mahalin uli siya nito. He thought that everything was already okay between them. Hanggang sa pumasok sa eksena ang fiancé nito.

May pag-asa pa kayang madugtungan ang naunsiyaming relasyon nila?



CAMP SPEED BOOK FIVE: KISS, KISS, FALL IN LOVE
by: Marione Ashley
(Precious Hearts Romances)
Released Date: May 22, 2013
[Camp Speed Collaboration Series]


“He is worth the pain and the heartaches. Ganoon naman kapag mahal mo, hindi ba? Patatawarin mo siya, tatanggapin mo uli siya, mamahalin mo pa rin siya kasi nagmamahal ka, eh.” 


Psyche Faie Macaraeg had been waiting for her true love and was saving her first kiss for him. Ang akala niya ay natagpuan na niya iyon sa katauhan ni Rance Miguel—ang kauna-unahang lalaking hinayaan niyang makalapit sa kanya. Balak na sana niyang sagutin ito kung hindi lang umeksena ang best guy friend niyang si Eros Gabriel Roxas. Basta-basta na lang nitong ninakaw sa kanya ang first kiss niya.

Pero wala sa hinagap niya na mauuwi sa isang aksidente ang kagustuhan niyang gantihan ito. Kaya nang hilingin ni Eros na maging personal nurse siya nito ay agad siyang pumayag. Ginawa niya ang tungkulin niya bilang tagapag-alaga nito ngunit hindi niya inasahan ang pagbabago ng damdamin niya para dito. Unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Lalo niyang napatunayan na mahal na niya ito hindi bilang Eros na best friend niya nang muli siyang halikan nito. 

Kaya ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang malaman niyang pareho sila ng nararamdaman nito. Nang hilingin nitong subukan nilang lumampas sa linya ng pagkakaibigan ay sinang-ayunan niya iyon. Hindi mapantayan ang sayang kanyang nararamdaman tuwing kasama niya ito. Ngunit ang inaakala niyang saya ay mapuputol din pala nang malaman niyang parte lang pala ng isang palabas ang relasyon nilang dalawa.