What to Expect:

This is just a nonsense and full of randomness blog. If you are expecting some deep posts, sadly, you are in the wrong place. Posts will revolve around writing, life, love, anime, boys, and rants. Don't like? F^ck off ;)

Sunday, November 2, 2014

E is for...

I was suddenly stuck on the last three chapters of my WIP so I decided to read the story of E and A that I wrote two years ago. As I read the book, I realized that it was lacking and it was... kinda disappointing. I'm glad I had the chance to change it now. I like some of the scenes so I'm thinking of retaining them but I would change the whole plot of the book.

Oh well. Once I'm done with my current WIP, I'll face my part on Camp Speed then I'll face E. Hopefully I could finish it all this November. Pray for me.

So back to E. There was this scene that I really, really like. Dunno why though. Let me share it here. Do not copy and paste elsewhere please.


EnLie


ALLIE let out a bored sigh as she looked at the figure of the guy sitting beside her. Nandito sila ni Enzo sa bahay ng mga ito, specifically sa library. Tahimik na nagbabasa si Enzo habang siya ay tahimik din na nakatitig dito.

“What?”

Bahagya pa siyang napapitlag nang marinig ang baritong tinig nito. Nanatiling naka-pokus ang paningin nito sa librong hawak-hawak kung kaya’t nagtataka siya kung papaano nito nalalaman na nakatitig siya dito.

“I’m bored!”

“Then do something. Nakatunganga ka lang kasi diyan.”

Napalabi siya. “Okay, magba-bike ako.”

Tinignan siya nito ng matalim. “No.”

Tinapatan niya ang tingin nito. “No, no, palagi na lang no! Kapag gusto kong mag-mall, bawal. Kapag gusto kong mamasyal sa park, bawal. Grabe ha! Hindi naman ako dying!” naiinis na aniya. Hindi niya alam kung matutuwa pa ba siya sa pagiging protective nito sa kanya.

Umusog siya ng bahagya palayo dito nang lalong tumalim ang tingin nito sa kanya. Malakas na isinara nito ang libro at humalukipkip. “Kakagaling mo lang sa sakit.”

She rolled her eyes at him. “Hello! That was two weeks ago!”

Napabuga ito ng hangin. She saw the frustration in his eyes. Good.

“What do you want to do?”

Nginisihan niya ito. “Turuan mo akong mag-drive.”

He scowled at her. “No.”

“See? Puro ka hindi! Daig mo pa si daddy!”

“I’m just concern about you.”

Her irritation melted in an instant when she saw the true concern written on his eyes. Kailan ba siya tuluyang nainis sa lalaking ito? Kahit kasi sobrang higpit nito sa kanya, nakikita naman niyang kapakanan lamang niya ang iniisip nito.

“Nandiyan ka naman kaya alam kong walang mangyayaring masama sa akin,” she said at the same time she flashed her deadly pout at him.

At muli ay nanalo na naman siya dahil narinig niya ang sumusukong buntong-hininga nito. “Fine.”

Pabirong dinunggol niya ito sa balikat. “You’re becoming a softy, Captain.”

He just scoffed at her. “Let’s go.” Tumayo na ito at inilahad ang kanang kamay sa harapan niya.

Nakangiting ginagap niya ang kamay nito. Hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi niya lalo pa’t hindi nito binitawan ang pagkakahawak sa kamay niya. Alam niyang hindi siya dapat magpakapagod subalit gusto niyang makasama si Enzo.

Sa may garahe siya nito dinala. Mula doon ay inakay siya nito pasakay sa sasakyan nito. Ito muna ang umupo sa driver’s seat habang nasa passenger seat naman siya. Pinaandar nito ang kotse papunta sa malaking bakanteng lote sa loob pa rin ng subdivision ng mga ito.

Itinuro ni Enzo ang iba’t ibang parte sa loob ng sasakyan kagaya ng manibela, brake, clutch, meters at kung anu-ano pa. Ipinaliwanag nito kung ano ang gamit ng bawat isa. Mataman naman siyang nakikinig sa mga tinuturo nito. Subalit hindi niya maiwasang ma-distract habang nakatitig sa mukha nito.

He was so serious while teaching her the basics as if what he was telling would save the world from a war. Minsan pa nga ay nagsasalubong ang kilay nito. Labis ang pagpipigil niya upang hindi dukwangin ito at hawiin ang kunot sa noo nito.

“Naintindihan mo ba?”

Alam niyang namula ang buo niyang mukha nang bigla siya nitong binalingan at huling-huli siyang nakatitig sa mukha nito. “Kaya ko na. Ako na!” ani na lamang niya upang pagtakpan ang pagkahuli nito sa kanya.

Tinignan siya nito ng mataman. “Are you sure? Huwag na kaya natin `tong ituloy?”

She huffed and crossed her arms in front of her. “Nandito ka naman sa tabi ko kaya alam kong walang mangyayaring masama sa akin. Ano?”

Napabuga na lamang ito ng hangin. Hindi siya sigurado subalit tila inumpog pa nito ng bahagya ang ulo sa headrest ng inuupuan nito. Bumaba na ito ng sasakyan at lumingid sa puwesto niya. “Usog.”

Umusog naman siya papunta sa driver’s seat. Bago `yon ay naramdaman pa niya ang palad nito sa likod niya na tila inaalalayan siya. Nanunuot sa suot niyang shirt ang init ng palad nito. Napahugot siya ng hangin. “Yosh!”

“Remember what I’ve told you, Allie.”

Tumango siya at inilibot ang paningin sa paligid. Nasa bakanteng lote sila kung kaya’t hindi siya natatakot na makasagasa dahil walang katao-tao doon.

“Where’s the brake and accelerator pedal?” Tinapakan niya ang tinatanong nito. Kada tanong nito ay itinuturo niya kung nasaan iyon. Kahit naman kasi nakatitig lamang siya dito kanina, may natutunan pa din siya kahit papaano.

“Place your right foot on the brake pedal and push it down then start the car.” Tila isang coach talaga si Enzo base sa pagtuturo nito sa kanya. Sinunod niya ang sinabi nito kahit tila naninigas na ang mga binti niya. Butil-butil na rin ng pawis ang namumuo sa noo niya. “Shift the gear lever into ‘Drive.’”

“Gear what?!” Hindi niya alam kung bakit siya natataranta.

Nang ginagap ni Enzo ang nanlalamig niyang kamay ay tila unti-unting nawala ang kaba niya. Ang panlalamig na nararamdaman niya ay unti-unting nabalutan ng init na nagmumula sa kamay nito.

“Here. Then slowly release the break pedal and press the—“ Dahil alam na niya ang susunod nitong sasabihin ay diniinan niya kaagad ang gas pedal. Ang siste, umandar kaagad ang sasakyan at sa takot niya ay lalong napadiin ang pagkakatapat niya sa pedal.

“Shit!”

Sa takot niya sa bilis ng andar ng sasakyan ay napapikit na lamang siya habang mahigpit ang kapit sa manibela. Naramdaman niya ang pagdikit sa kanya ni Enzo at ang tila pag-kontrol nito sa manibela at brake.

Nang unti-unti siyang dumilat ay gusto na niyang manlata nang mapansin na muntik na niyang matamaan ang bakod sa lote. Napahinga siya ng malalim at pabagsak na sumandal sa upuan. Hinilot niya ang ulo nang biglang kumirot iyon. Tila may humahalukay din sa sikmura niya.

“May masakit ba sayo? Hey, Allie!” Hindi siya sigurado subalit tila nakaringgan niya ang pagkataranta sa tinig ni Enzo.

“I think I’m going to throw up.”

Dali-dali itong bumaba at lumingid sa puwesto niya. Pagkabukas na pagkabukas nito ng pintuan ay kaagad siya nitong inalalayan pababa. Pagkatapak na pagkatapak niya sa sahig ay nagduduwal na siya. Hinang-hina na siya at tila nawalan ng lakas ang kanyang mga binti.

“Are you okay now?” marahang tanong ni Enzo habang hinahawi ang buhok niyang tumabing sa mukha niya at dumikit doon dahil sa pawis.

Bahagya siyang tumango. Pinunasan nito ang pawis sa noo niya. “How’s your car? Nagasgasan ko—”

“Damn it! Do you think I care about the fucking car? I can get a new car but I can’t get a new you,” he said, suddenly cutting her off. Isinandig nito ang katawan niya sa katawan nito. Marahan nitong isinandal ang ulo niya sa matatag nitong dibdib. “The only thing that is mine that I care for is safe in my arms.”

Mine. The possessive tone she heard from his voice made the butterflies flew on her tummy.

Kung sa ibang tao siguro ay awkward na hanggang balikat lamang siya ni Enzo subalit para sa kanya ay normal lamang ang height difference nila. When she was with him and when she was inside his arms like this, she felt safe and protected.

She could feel the warmth on her heart when she heard the concern and worry on his voice right now. This was the proof that he really cares for her without pretensions. If only this care would grow into much more. Much, much more…

Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at ipinalibot ang braso sa beywang nito. “I’m sorry, Renz.”

Mas na naramdaman niya ang paghinga nito ng malalim. Pasimple niyang sininghot ang amoy nito. A mixture of his own scent and his perfume. Hindi masakit sa ilong.

“Let’s go home. Kailangan mong magpahinga.”

Home. Home for her is where Enzo was.

Bago pa man siya makatugon ay pinangko na siya nito. Ipinalibot niya ang braso sa leeg nito at isinubsob ang mukha sa leeg nito. Sandali lamang siya nitong binuhat subalit ang hatid niyon sa katawan niya ay iba.

Pagkarating sa bahay ay pinangko rin siya nito paakyat sa silid na tinutuluyan niya. Inihiga siya nito sa kama at kaagad na kinumutan. “Take a rest. Gigisingin kita kapag dinner na.” Isang magaang halik sa noo ang iginawad nito bago ito tahimik na lumabas ng silid niya.

With a smile, she closed her eyes and replayed what had happened a while ago, while he was carrying her like a princess.

She was having the time of her life with him by her side.